Isang uri ng New Age therapy ang crystal therapy o paggamit ng quartz at mga batong hiyas bilang instrumento sa pagpapaigi ng pakiramdam at kalusugan ng mga tao.
Sinasabi ng crystal healers na may “vibrational energy system” ang bawat nilalang—mapahalaman man, hayop o tao. Kabilang sa VES ang chakra (mga energy centers na nagmumula sa pinakadulo ng ating gulugod o kuyukot (root chakra), hanggang sa pinakatuktok ng ating ulo (crown chakra), electromagnetic fields na kilala rin sa tawag na aura, subtle bodies (kaluluwa) at meridians o hindi nakikitang mga hangganan ng ating katawan, espiritu at kaluluwa.
Albularyo Korner
Ugat-ugat, dahun-dahon, bula-bulaklak: mga karampatang lunas sa karamamdaman, mula sa sinapupunan ni Inang Kalikasan.
Wednesday, September 15, 2010
Maggot therapy sa sugat
May nauuso ngayong panggagamot sa sugat na hindi agad gumagaling—ang maggot therapy o kilala rin bilang Maggot Debridement Therapy (MDT).
Ang metodolohiya: Nilalagyan ng disinfected na uod o larvae ng langaw ang sugat at hahayaan itong kainin ang dead tissues na nasa gitna ng sugat.
Tuesday, August 17, 2010
Kahulugan ng mga bulaklak
Nakakikilig at napakaromantiko kung makatatanggap ang isang babae ng isang pumpon ng mga bulaklak. Nakapapawi ng lungkot at pagkaminsan, ng pagkabugnot. Ngunit alam ba ninyo na ang bawat bulaklak ay mayroong itinatagong kahulugan?
Tulips. Bibihirang ibigay ang tulips bilang handog dahil sa napakamahal na presyo nito. Ang pulong tulip ay nangangahulugan diumano ng wagas na pag-ibig o pagmamahal. Pagpuri naman sa isang napakaganda o napakatamis na ngiti, ang kahulugan ng dilaw. Kapag niregaluhan ka ng isang pumpun ng tulips na iba’t ibang kulay, hangad ng nagbigay ang iyong kaaliwan.
Friday, August 13, 2010
Gustong gumaan ang buhay? Magprayorisa
Minsan ang buhay, parang ang gulu-gulo. Maaring bunga ang pananaw na ‘yan ng iyong kasalukuyang mood, o dumaranas ka ng pagkabagabag o kaya naman, talagang sala-salabat lang ang iyong problema at gawain sa buhay.
Sabi ni Dr . Dean F. MacKinnon, isang psychiatrist mula sa Johns Hopkin University’s School of Medicine, upang hindi “mahilo” sa mga gawain o sa mga bagay na kinakailangan mong asikasuhin sa araw-araw, dapat matuto kang magsuri: Ano ba sa kanila talaga ang mahigpit na nangangailangan ng iyong agarang atensiyon?
Tuesday, July 27, 2010
Ilang weird na pamamaraan para lumusog ka
Mayroong mga araw na parang tamad na tamad tayong kumilos. Walang masama roon (malibang maging gawi na natin); kailangan din kasi ng katawan natin magpahinga.
Ang ating katawan, parang personal computer (PC) kailangan ding mag-“reboot” paminsan-minsan. Kung parang tinatamad, ayos lang na maupo lamang sa iyong couch, kumain ng paboritong biskwit na tinernuhan ng umuusok na kape o tsaa o maging chocolate drink.
Ang ating katawan, parang personal computer (PC) kailangan ding mag-“reboot” paminsan-minsan. Kung parang tinatamad, ayos lang na maupo lamang sa iyong couch, kumain ng paboritong biskwit na tinernuhan ng umuusok na kape o tsaa o maging chocolate drink.
Monday, July 19, 2010
just meditating
I've been a reporter for almost a decade now. I've started during the early 2000 and then here I am, still an unnoticed but still pursuing newspaperman.
During my six-year stint in Pinoy Weekly as a reporter then editor, I have been writing about alternative medicine and Eastern health practices. Mostly, I have rewritten some articles coming from different journals, newspapers, and of course, blogs.
Now, I am back in circulation, writing same kind of stuff; as my contribution to the healthy debate on health and wellness, and in health care. I am no doctor, I have to admit but as a semi-health buff, I am also concerned with the health of my fellow.
By the way, I still write health features in Pinas, an international tabloid in Filipino.
Second-hand smoke, nakasisira ng ngipin ng bata
Isang pananaliksik sa Chicago, IL ang nag-uugnay sa second-hand smoking o pagkalanghap ng usok sa sigarilyo at pagkasira o pagkabulok ng ngipin ng mga bata.
Ayon sa mga eksperto, karaniwang inaatake ng second-hand smoking ang tinatawag na milk teeth o baby teeth ng mga bata, na kalaunan ay dumudulo sa tuluyang pagkasira maging ng kanilang permanent teeth.
Subscribe to:
Posts (Atom)