Wednesday, September 15, 2010

Katotohanan sa crystal healing

Isang uri ng New Age therapy ang crystal therapy o paggamit ng quartz at mga batong hiyas bilang instrumento sa pagpapaigi ng pakiramdam at kalusugan ng mga tao.

Sinasabi ng crystal healers na may “vibrational energy system” ang bawat nila­lang—mapahalaman man, ha­yop o tao. Kabilang sa VES ang chakra (mga energy centers na nagmumula sa pinakadulo ng ating gulugod o kuyukot (root chakra), hanggang sa pinakatuktok ng ating ulo (crown chakra), electromagnetic fields na kilala rin sa tawag na aura, subtle bodies (kaluluwa) at meridians o hindi nakikitang mga hangganan ng ating katawan, espiritu at kaluluwa.

Maggot therapy sa sugat

May nauuso ngayong panggagamot sa sugat na hindi agad gumagaling—ang maggot therapy o kilala rin bilang Maggot Debridement Therapy (MDT).

Ang metodolohiya: Nilalagyan ng disinfected na uod o larvae ng langaw ang sugat at hahayaan itong kainin ang dead tissues na nasa gitna ng sugat.