NAPAKASAKIT na karanasan ang hindi maihi. Kadalasan, napagkakamalang maysakit tayo sa bato o may diperensiya ang lobes ng ating kidneys. Subalit ito ay maaaring sintomas lamang ng karaniwang cystitis o balisawsaw sa wikang Filipino.
Dulot ng sobrang pagkahilig sa inuming matatamis tulad ng softdrinks, shakes at iba pang inuming labis sa asukal, ang karamihang kaso ng cystitis. Dahil hindi agad matunaw ang asukal mula sa nainom, nagiging sanhi ito ng acidity ng ihi na nagpapamaga ng pantog o urinary bladder. Kung hindi agad maaagapan, maaaring pumalya ang buong sistema ng inyong pag-ihi.
Water therapy at ilang halamang gamot ang katapat ng cystitis. Kadalasan, inirerekomenda - kahit ng mga doktor - ang pag-inom ng isang basong tubig kada oras, sa panahong gising para maaalis ang mga dahilan ng pamamaga ng pantog.
Mabisa ring remedyo sa cystitis ang ilang halamang gamot gaya ng banaba, pandan at maging ang masarap na sabaw ng buko. Nagtataglay kasi ang mga ito ng natural na acid neutralizers, kasama ng ilang uri ng antiseptics, na nagbabawas sa pamamaga ng pantog na dahilan ng ating kaunti-kaunti at masakit na pag-ihi.
Maglaga lamang ng isang tasang tinadtad na dahon ng banaba (sariwa o tuyo) sa limang basong tubig. Ang dosage para sa mga batang edad tatlo hanggang sampung taong gulang, 1/4 na baso, tatlong beses maghapon; kalahating tasa naman para sa batang edad 12 pataas, pati na rin sa matatanda, tatlong beses din maghapon ang pag-inom ng concoction.
Mas makamumura tayo kung gagamit tayo ng halamang gamot kaysa uminom ng mga chemically prepared drugs na karaniwang mayroong side effects. (First published on Pinoy Weekly, Vol. 2 No. 9, April 30 - May 6, 2003; p. 13)
Woow! thank you for this very helpful information! now alam ko na ang damat na gamot sa sakit! :) Sakit.info
ReplyDelete