Parang laging takot sa anumang maaa ring mangyari? Natatakot subalit hindi naman nalalaman kung ano ang nagdudulot sa iyo ng takot? Anxiety ‘yan o pagkabagabag sa Tagalog.
Ayon sa mga eksperto, nakadaragdag sa stress ang pagkabagabag. Iba-iba ang maaaring dahilan nito: parmasyutikal o may kinalaman sa iniinom mong gamot o kaya naman, sa lagay ng iyong kalusugan at pag-iisip.
Sa datos na nagmula sa A.D.A.M., Inc. sinasabing maaaring magdulot ng sintomas ng pagkabagabag ang ilang recreational (mga gamot na naaabuso) at medisinal na gamot kagaya ng ADHD medications, alak o alkohol, amphetamines, bronchodilators o gamot sa hika, caffeine, cocaine, gamot sa sipon, decongestants, diet pills, nikotina, thyroid medications at tricyclic antidepressants.
Bukod pa sa pag-inom o paggamit ng naturang mga gamot, natukoy rin ng mga ekspertong maaaring magdulot ng pagkabagabag ang hindi maayos na diyeta gaya nang pagbaba ng antas ng bitamina B12 sa katawan.
Maaari ring magdulot ng pagkabagabag ang kabang sanhi ng pagkuha ng isang eksaminasyon o presentasyon sa publiko.
Sinasabing nakapagdudulot din ng pagkabagabag ang matitinding karanasang nakato-trauma. Kilala ang kalagayang emosyonal at sikolohikal na ito bilang post traumatic stress disorder (PTSD) na maaaring makuha dahil sa labis na traumatikong karanasan gaya ng giyera o dulot ng atakeng pisikal at/o seksuwal (panggagahasa, pambabastos, acts of lasciviousness o panghihipo sa kaselanan at iba pa).
Sa napakabihirang pagkakataon, isang uri ng tumor sa adrenal gland (pheochromocytoma) ay nakapagdudulot din ng pagkabagabag dahil sa labis na produksiyon ng hormone na inilalabas ng glandulang ito na nasa ating utak.
Kung nakararamdam ng pagkabagabag, sa hindi malamang dahilan (liban kung talagang alam ang dahilan ng pagkatakot), sumangguni agad sa duktor para maagapan ito. Ipinapayo ring ma ging maayos ang ating pagkain para naman maiwasan ang kundisyong-pangkalusugang nakapagdudulot din ng pagkabagabag. (First published in PINAS The Filipino's Global Newspaper; photo courtesy by http://www.jamieisherwood.ca/panic-attacks-anxiety/anxiety2.jpg)
شركة تعقيم في دبي
ReplyDeleteشركة تعقيم في الشارقة
شركة جلي و تلميع الرخام في دبي
شركة مكافحة حشرات دبي
شركة تنظيف في دبي