Monday, July 19, 2010

Second-hand smoke, nakasisira ng ngipin ng bata

Isang pananaliksik sa Chicago, IL ang nag-uugnay sa second-hand smoking o pagkalanghap ng usok sa sigarilyo at pagkasira o pagkabulok ng ngipin ng mga bata. 

Ayon sa mga eksperto, karaniwang inaatake ng second-hand smoking ang tinatawag na milk teeth o baby teeth ng mga bata, na kalaunan ay dumudulo sa tuluyang pagkasira maging ng kanilang permanent teeth. 


Sa 3,500 na batang sinuri noong 2003 ng Journal of the American Health Organization, sangkatlo (⅓) sa mga ito ang kinakitaan ng maagang pagkabulok ng ngipin o tooth decay samantalang ¼ naman sa kanila ang maagang nabubungal.

Sinasabing 53% ng mga kaso ng pagkabulok ng ngipin ay mayroong kaugnayan sa nikotina na nalalanghap mula sa usok ng sigarilyo.

Kaya nga payo ng Journal of the American Health Organization, dapat na gawing smoke-free ang kapaligiran na kalalakhan ng mga bata, hindi lamang para mapangalagaan ang kanilang sensitibong mga ngipin kundi maging ang kanilang buong kalusugan. 

Higit na nakamamanghang bahagi ng pag-aaral ay ang estadistika ng maralitang dumaranas ng pagkabulok ng ngipin dahil sa kawalang kakayahang makakuha ng sapat na serbisyong dental at medikal. Sa mauunlad na bansa gaya ng Amerika, hindi na gaanong problema ang kalusugang pambibig o oral health, dahil nakakaya nilang gumamit ng toothpaste at makapagmumog ng tubig na hinaluan ng flouride, isang mineral na nakapagpapatibay ng ngipin. (Photo copyrighted to The Sun-UK)

1 comment: