Namamagang gilagid at bibig? Mayroong gamot si Inang Kalikasan diyan.
Mahusay na gamot para sa namamagang gilagid ang simpleng asin. Ihalo lamang sa maligamgam na tubig at ipangmumog ito ng tatlong beses maghapon. Maaari rin itong gamiting pang-gum massage matapos na magmumog. Huwag nga lamang masyadong diinan at baka tuluyang magdugo ang gilagid.
Napatunayan din ng mga eksperto na para lumusog at lumakas ang gilagid, mainam na mag-iinom ng fruit juices. Taglay kasi ng katas ng prutas ang mga sustansiyang nakapagpaptibay sa mga tissue at ugat ng gilagid at bibig.
Sa mga halaman naman, mainam na pangremedyo sa namamagang gilagid ang dahon ng kaymito o star apple.
Kailangan mo lamang ng 10 sariwang dahon ng kaymito, tadtarin at saka pakuluan ng 10 minuto sa dalawang basong tubig. Gamiting pangmumog.
Pareho rin ang dosis (dosage) para sa mga dahon ng duhat.
Maaari ring gamitin ang dahon ng bayabas. Ang dosis: isang tasang tinadtad na dahon ng bayabas. Pakuluan ito sa dalawang basong tubig at gamiting pangmumog.
Tatlong dahon ng talong naman ang katapat ng iyong impeksiyon sa bibig. Tadtarin ito, pakuluan sa dalawang basong tubig ng 10 minuto saka ipangmumog.
At para makaiwas sa ganitong mga karamdaman, dapat na laging magsepilyo, pagtapos kumain at huwag na huwag gumamit ng sepilyong sobra sa tigas para hindi masira ang ating gilagid.
No comments:
Post a Comment